Monday, February 28, 2011

Pamahiin Kapag may Patay

     Tatlong buwan (Nobyembre) na rin ang nakalilipas noong bisitahin ko ang aking Auntie sa Bohol pero ang malungkot na parte ng pagbisita kong ito ay ang hindi ko na muling magagawang masilayan ang mainit na ngiti at kanyang pagmamahal  - na aking naramdamang parang siya ang aking ina sa tuwing ang aking ina ay hindi nakakasama sa paguwi sa Bohol. Noong una kong marinig ang balitang ito ay hindi ko alam kung ano ba ang nararapat na maging reaksyon lalo na’t ang aking mga pinsan ay nasa kasukdulan ng kalungkutan. Hindi ko alam kung ano ang tamang mga salita upang gumaan ang kanilang pakiramdam sapagkat alam kong hindi madaling mapawi ang pangungulila (lalo na ang pinsan kong si Vilma). Ang Auntie ko ay namatay dahil sa Diabetes at kumplikasyon sa puso.

     Nitong Enero ay nakatanggap muli ako ng balita na nakakagulat. Ang ama ng isa sa pinakamalapit kong college friend ay comatose sa sakit na Ruptured Aneurysm. Ito ay ang sakit na kung saan ang ugat sa utak ay pumutok. At ilang araw lang ang lumipas ay nilisan na niya ang mundo.
     At ngayong buwan ng Pebrero, ang malapit na kamag-anak namin ay namatay dahil sa High Blood at Diabetes.

     Sa tatlong lamay na aking pinuntahan sa loob ng tatlong buwan ay naisipan kong isulat ang tungkol sa mga dapat gawin kung ikaw ay pupunta sa lamay at ang dapat gawin ng mga taong tumitira sa pinagbuburulan.

1.        1.       Huwag magsuot ng pulang suotin kung bibisita sa lamay sapagkat sinasabing ikaw daw ay masaya na may namatay pa.
2.       Huwag iuwi ang mga pagkain na nanggaling sa lamay. Dapat lamang na ito ay ubusin doon sa lamayan.
3.       Bawal maghatid ng mga bisita sa labas sapagkat sinasabing ang taong humatid sa labas ay siyang susunod na paglalamayan.
4.       Kung ikaw ay bisitia at may nakalimutan sa loob ng bahay (o sa pinagbuburulan), bawal na bumalik sa loob at sa halip ay ipakuha na lamang sa ibang tao na nasa loob.
5.       Huwag magwalis o maglinis sapagkat parang ang patay ay iyo na raw na itinataboy.
6.       Huwag maligo sa bahay o sa lugar na pinagbuburulan.
7.       Naglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong kung ang namatay ay naghahanap ng katarungan.
8.       Dapat na sakto ang sukat ng kabaong para sa namatay dahil kung ito man ay sobra, may susunod daw na ka-miyembro ng pamliya.
9.       Ang taong bumisita sa lamay ay dapat na magpagpag (bumisita sa ibang lugar) bago dumiretso sa bahay.
10.   Ito ay tradisyon lamang ng aming pamilya at hindi ko na magawang kwestiyunin pa sapagkat naiinis lang sila:
a.       Bago pumasok ay dapat na may maghagis ng bigas sa iyong ulunan.
b.      Magsiga ng apoy at dumaan dito.
c.       Maghugas ng kamay at paa bago pumasok ng bahay.
d.      Magpalit ng damit, hindi dapat sa loob ng bahay.(dito ako pinaka naiinis kasi masyadong nakakaabala)

     Sadyang kay dami ng mga pamahiin ng mga Pilipino at aking hinihiling sa Panginoon na sana ay hindi na ako makarinig ng paglisan ng mga taong kakilala ko sa buhay.  Alam kong imposible ito, pero nakakatakot lamang ang pakiramdam na may nawawalay.

     Wala namang taong gustong mamatay pero ito talaga ang kahahantungan ng lahat ng mga nabubuhay sa ating mundo. Lahat tayo ay iisa lang ang destinasyon kung kaya’t habang tayo ay nabubuhay pa ay ibigay at gawin natin ang nais nating gampanan at nais makamit. Ang kamatayan ay simbolismo ng pagbabago – iyon ang nakikita kong positibong kaisipan ukol dito. 

9 comments:

  1. Agree with all of them, 1 - 9 we also practice these in our family except for #10, seems unfamiliar to me.

    ReplyDelete
  2. Agree, I'm not too familiar with the last ones either. :)

    ReplyDelete
  3. I'm not familiar with most of the things you mentioned. Hindi din ako masyado pumupunta sa mga lamay.

    ReplyDelete
  4. Familiar ko to lahat except nos. 3, 7 and 8. ang no. 7 - I find that really interesting. It's good to be reminded of halloweenish things from home. Thanks.

    ReplyDelete
  5. My mom died two months ago and it is so painful. Speaking of pamahiin we followed some of it.

    ReplyDelete
  6. Bawal.ba mag gala kapg namty ang lola mo n nsa probinsya nmn .

    ReplyDelete
    Replies
    1. bawal daw po talaga kapg namatayan ka sabi ng mga tita ko!!!

      Delete
  7. Agree po ako doon sa letter c ng no. 10 ginawa po naming yan at magsaboy po ng asin sa labas po ba yun o sa loob??

    ReplyDelete
  8. bawal po ba tlga maghatid ng bisita? totoo po ba tlga yan ?

    ReplyDelete